'Tamang paggamit ng social media, kasama sa K-12 curriculum'

Idadagdag ng Department of Education (DepEd) ang media information literacy sa K-12 Basic Curriculum upang mabigyan ng tamang impormasyon ang mga kabataan sa tamang paggamit ng cyber world at ng social media.



Matatandaang kamakailan lang ay usap usapan ng mga netizens sa Social Media ang panghihiya ng isang babae sa isang lalake matapos hindi umano siya pinaupo nito sa MRT.

Umani ng mga negatibong reaksyon mula sa mga netizens ang babae at marami naman ang nakisimpatya sa lalake .

Maiiwasan sana ang ganitong uri ng cyber bullying kung mayroong sapat na kaalaman ang publiko sa mga dapat at hindi dapat ilagay sa Social Media.



Maliban dito, makikita din sa online portal ng DepEd ang Cybersafe Online Manuals na inilunsad ng ahensya noong Marso.

Previous
Next Post »