Sinasabing ‘driver-lover’ ni De Lima ipatatawag ng Kongreso

Nakatakdang ipatawag ng House of Representatives ang driver at sinasabing lover ni Senator Leila de Lima na si Ronnie Dayan.


Una nang pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Dayan na umano’y nangongolekta ng pera mula sa illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) para pondohan ang pagkandidato ng senadora.

Hinikayat pa ng ilang mambabatas si De Lima na dumalo sa magiging pagdinig upang malinis ang pangalan nito.

Samantala, posibleng idiin ng mga dating opisyal ng Department of Justice at Bureau of Corrections si Senator Leila de Lima sa usapin ng operasyon ng iligal na droga sa loob ng New Bilibid Prison.


Ayon kay DOJ Sec. Vitaliano Aguirre, kwalipikadong sumailalim sa Witness Protection Program sina dating Undersecretary Francisco Baraan at ang di umano’y driver-lover ni De Lima na si Ronnie Dayan.

Previous
Next Post »