Ibinunyag ng isang nagpakilalang miyembro ng isang "gun smuggling group" ang planong pagpatay kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa isang pulong balitaan na isinagawa sa Camp Crame, inihayag ni Wilford Palma ang planong pag-patay kay Duterte ng isang grupo.
Ayon kay Palma, sa kanila sana bibili ng mga parte ng baril na gagamitin sa pagpatay sa pangulo.
Paliwanag pa nito na balak na raw mag-order ang kanilang number one customer ng lower end gun parts na gagamitin sa assasination.
Dagdag pa nito na ilan sana sa mga o-orderen ng grupo na mga parte ng babaril na gagamitn kay Duterte ay 100 upper recieving parts, 40 barrel at 30 vaults na makakabuo ng isang 100 M-16 na baril.
Ipinaliwanag rin ni Palma na malaki sana ang posibilidad na matuloy ang plano ng grupo na patayin ang pangulo kung hindi sila nahuli ng mga pulis.
Samantala, ayon naman kay Chief Supt. Roel Obusan, ang head ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), na nakatakda nilang i-validate ang mga sinabi ni Palma at maari rin aniya nila itong gawing witness laban sa planong assasination sa pangulo.
Umaabot naman sa halos P4.5M ang halaga ng gun parts ang nakumpisca ng CIDG mula sa posisyon ni Palma.