Benepisyo ng mga solo parent, madadagdagan

Madadagdagan ang makukuhang benepisyo ng mga solo parent, sa ilalim ng amended bill sa solo parents welfare act.



Ang panukalang batas ay muling inihain nina Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas at Emmie de Jesus.

Maliban sa karagdagang leave na pitong araw, makakatanggap din ang mga ito ng diskwento sa pagbili ng damit ng bata hanggang 12 taong gulang.

Mga gatas at food supplement para sa unang tatlong taon ng bata at sa gamot at bakuna ng bata hanggang 13 taong gulang.



Bukod dito, mabibigyan din ang magulang ng diskwento sa tuition fee ng bata hanggang ito ay 21 taong gulang at sa mga bill sa ospital.

Previous
Next Post »