Duterte naluha nang yakapin ng isang sundalo na nabulag sa bakbakan

Hindi napigilan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang maging emosyonal at maluha ng yumakap sa kanya ang isang sundalo na nabulag sa isang military operations sa Maguindanao at kasalukuyang ginagamot sa AFP General Hospital sa V.Luna street sa Quezon City.



Nabulag ang kanang mata ng 28-anyos na si 2LT. Jerome Jacuba makaraan siyang masabugan ng Improvised Explosive Device (IED) sa isang clearing operation ng military.

Halos 10-percent na lang din ng kanyang kaliwang mata ang gumagana at siya’y tuluyan na ring mabubulag ayon sa paliwanag ni Maj. William Recuenco na siyang duktor na tumitingin kay Jacuba.

Si Jacuba ay may asawa at dalawang anak ayon sa pahayag ni Recuenco.



Sa kasalukuyan ay nag-aaral na ring mag-basa ang batang opisyal sa pamamagitan ng braille system.
Makaraan ang pakikipag-usap sa mga pasyenteng sundalo ay muling tiniyak ni Duterte na ibibigay ang dagdag na mga benepisyo sa mga tauhan ng military sa lalong madaling panahon.


Previous
Next Post »